Kwento ng Bahay (revised edition) 2
Kung bored man siya, e di bored. Ako kasi, ang alam ko lang, masaya na ako sa ganun. Hindi na ako hihiling na, hiwalayan nya ang gf nya, o di kaya naman eh lokohin nya.. kaya nga limang minuto lang kami. Nakaw pa yun.That was November 5, 2004.
November 2004, magkachat pa rin kami. Naging gabi-gabi kasi yun, simula nung October. Mashado yata akong naaaliw, kasi masarap siyang kausap. Wla naman malisya na sa akin yun, hayaan ko na lang sabi ko, kasi hindi naman kami nagkikita eh.
Laging nakabukas ang webcam naming dalawa. Minsan umiiyak ako.minsan umiiyak siya sa harap ko. Hindi ko nga alam ano ang dapat kong maramdaman nung mga oras na yun. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanya, at sa sarili ko na rin na hanggang dun lang kami. Na hanggang dun lang ang pwede naming marating, dahil ayaw namin makasakit. Sila nung gf nya, 3 years na sila. Ang gaga ko naman mashado kung sisirain ko sila.
Ang pinanghahawakan ko lang ay ang picture nya. Kaisa-isang picture nya sa akin.

Bukod sa litrato na ito, wala na akong ibang pag-aari na sa kanya. Kaya sa chat na lang kami nag iislide-slide.
Telepono
“we’re talking about our lives
like we’ve known each other forever
time flies by
with the sound of your voice
it’s close to paradise
with the end surely near… “
Lagi na kaming nag-uusap sa telepono ngayon – kahit na patago. Kasi hindi pwedeng malaman ng gf nya, remember? Masaya lagi ang usapan namin, lagi kaming tumatawa. Naalala ko pa nga, Sunday nun, umaga, tumawag ako sa kanila…..
ako: pwede po kay jay?
babae(mommy nya yata): jay? walang jay dito, jheus meron.
ako: ay, sige po, pakitawag na din po yung jheus, baka po kilala niya yung jay.
Bastugang lalaki yan, iniba pa pangalan..Jheus pala, saan naman kaya niya napulot yung Jay na yun?? Pahiya tuloy ako.. grr..![]()
Pero December 10, 2004, naging kami na. Kahit mali. Kahit bawal…
simbang gabi
Malapit na ang pasko, weeee! kakatuwa naman, kasi pasko ang paborito kong araw sa buong taon eh. Wala akong ibang pinangarap kundi mabuo ang simbang gabi. Nung simbang gabi ng 2004, muntik ko nang mabuo yun dahil kay jheus.
Alarm clock ko siya nung simbang gabi. Human Alarm clock, kasi hindi naman siya natutulog eh, dahil sa punyetang ragnarok (pasintabi po). Sa isip-isip ko, nakanantuts, dedicated ah!! So, tatawag siya pag 2 am na para gisingin ako. Para sabihin na magsisimbang gabi pa ako kaya i have to get my ass up.
One morning, nag fail sha na i alarm ako. Nagulat ako nun, pero dedma lang kasi, advantage na din at nakabuo ako ng tulog kahit na absent ako sa simbang gabi. Hindi ko alam na may nangyari na pala..
siya: bahay, dito na naman siya.. (umiiyak siya neto)
ako(namumungay pa mata sa antok) : oi, alas 7 lang ng umaga, adik ba kayo?
siya: oo nga eh. basta, tandaan mo na mahal na mahal kita. ikaw ang gusto ko.
ipaglalaban kita, ipaglalaban ko tayo.
ako? tahimik. tulala. basta tumulo ang luha ko. Yon na yata ang pinakamadramang alas-siyete ng umaga sa buhay ko..
Kinagabihan, kiniwento niya sa akin ang buong detalye. Kung paano niya pinrangka ang then gf nya na ayaw nya na sa kanya. Ikinwento niya din kung ano ang pagkakaiba namin ng then gf nya, at kung paano niya sinabi na ako ang gusto niya. how touching diba, ang haba ng hair ko.
Then, official na kami.. 
Sa pagkakaalala ko, nakatatlong backflip ako nun.
note: don’t try this at home.
to be continued….

Leave a Reply