Kwento ng Bahay (revised edition)

Napakahaba ng kwento namin ni bahay. Hindi ko nga alam paano ko sisimulan ikwento mga kalokoha namin, pero para sa kanya, sisikapin kong humugot ng mga salitang makakapagbuo ng mga lumang litrato ng nakaraan..

Chuvaness.

CHAPTER 1

“Astig talaga MMB 14!!”

Hindi ko alam kung ano ang meron ang chat, bakit ba ako na adik dun?? Siguro, dahil madami akong nagiging kaibigan. Siguro dahil madami akong nagiging papa. Kasi masaya ang pakiramdam ng binobola .

Hindi ako naniniwala sa love sa chat. Sakit naman sa bangs nun, paano naman mangyayari yun e ni hindi mo nga alam ano sinasabi sayo ng ka chat mo pag nakatalikod ka, baka habang naka webcam ka, yung nasa likod mo ang tinitignan niya at hindi ikaw. Pero, duher diba? Carry lang, kasi ganun ka din naman sa kanya, more or less.

Marami akong naging boypren sa chat, nakakalibang kasi, pero hindi dahil inlab ako talaga. Siguro in lab, mga 1 percent lang.Baka nga wala pang 1 percent e. Skeptical kasi ako mashado, tamang duda.

Hindi kami nagtatagal, yung iba, 1 week lang, pinakamatagal ko na yata ang 1 month. May naging boypren ako na sobrang seryoso sa buhay ,pati problema ng Pilipinas pinoproblema niya kaya iniwan ko. Yung sumunod naman, pangit, kaya iniwan ko din. Yung isa naman, mshadong seloso, parang papatay ng tao kapag nakikipag usap ako sa iba. Yung isa naman, tamad , pero napaka clingy kaya iniwan ko din..

Iniwan ko silang lahat.

Wala na nga sa isip ko maghanap ng mga papabol nung late 2004 , kasi sabi ko, nakakasawa na, wala naman sila halos pinagkaiba-iba maliban sa yahoo ID nila. Kaya nagdesisyon ako na i set aside na ang boylet hunting ko. Hindi ko inakala na, dahil sa Spongecola na banda, magkakaboypren ako ng bago..

Ako: galing ng spongecola noh? Ano pa kaya ibang kanta nila??

sponge_cola_crazy_ : Download mo ung crazy for you nila, maganda.

ako: yung crazy for you ni madonna??

sponge_cola_crazy_ : oo, ni revive nila yun.

ako : ok, teka…

dinownload ko naman, hindi ko alam bakit ako nagpauto, pero hindi na din naman masama ang resulta. Maganda nga ang pagkakarevive ng spongecola sa crazy for you.

Kaya pini-m ko ang taong tumulong sakin. Hindi para karirin siya (well, hindi naman ako plastik, naisip ko na din na baka pwede ko siya maging karir..) kundi para makipagkaibigan. Get get aw!

ako: ui, slmt. nu nga pla pnglan mo?

sponge_cola_crazy_ : sensha na ha, la ako panahon sa mga babae.

ako: ah.

KAPAL NAMAN NG FOUNDATION NUN! tinatanong ko lang nman e. papansit naman siya, kala nya naman kung sino siyang gwapo..

ako: yabang mo naman.

Walang sagot. Kapal talaga!

Nung magkasabay ulit kami sa room, (sa mmb14 pa rin) , humingi naman siya ng pasensha. Pini-m nya pa nga ako eh..

sponge_cola_crazy_ : sensha na ha.

ako: k lang

sponge_cola_crazy_ : jay nga pala

ako: ah, gingging.

Machuva, sasabihin din naman pala.. Malandi din naman pala !!

Yun na ang naging umpisa ng mabuting pagkakaibigan namin. Hindi ko naman pinagdasal na sana sabihin niya na ang pangalan niya dahil mula nung tinurn down niya ako, nawalan na ako ng gana sa kanya. Pero habang tumatagal kaming nag uusap, nare-realize ko na masaya naman pala itong tao na ito. Madami ding problema, tulad ko.

Nung mga panahon na yon, may gf pa siya . May bf-bfan din ako nun. Lagi kaming nagkekwentuhan ng mga lablayp lablayp (magkapm kami.) , na para sa akin, normal na kwentuhan lang naman. Pero nung tumatagal na, iba na. Lumalandi na kami.

5 minutes

hindi ko alam kung pinlano ba ito ng tadhana mula nung una pa, na shock ako, nalungkot at natuwa all at the same time.. ako nga yata ang nagbigay ng daan para sa aming dalawa.gademit nakakahiya naman…

ako: pero mahal mo na ako noh??

sponge_cola_crazy_ : hindi ha..

ako : huuuuuuuuu

sponge_cola_crazy_ : oo na nga!

at ako daw ba ang manligaw?? kapal talaga ng foundation.

pero shocked ako. di ko inakala eh.

ako: pero may gf ka diba?

sponge_cola_crazy_ : may bf ka din.

ako: pwede naman tau eh – 5 mins lang…

hindi ko alam,pero naiyak ako. naawa ako sa sarili ko, naawa ako sa amin. Nalulungkot ako, dahil, ganito kmi ka desperado. Ganun kami kadesperado, willing kami magnakaw ng 5 minuto , maging kami lang. Kahit kasalanan,.

inubos namin ang limang mnuto na yun sa pagsasabihan ng i love you. korni nun, pero ang saya sya ko nun..kahit di ko alam kung totoo nga ba siya sken o na bobored lang sha sa current relationship niya.

to be continued….


Leave a Reply