Add a Testimonial

Hey, drop me off a testeeh will yah?! Thanks!

Hindi na siguro bago sa inyo ang linyang yan. Kung may Friendster account ka at marunong kang magbasa eh siguradong nakita mo na yan sa Bulletin Board o sa isang testimonial sa iyo. Ewan ko ba, parang sabik sa testimonial ang mga taong nagsasabi niyan. Kailangan mo bang malaman ang mga tingin sayo ng tao para mahusgahan mo ang sarili mo? Makikita yan ng milyun-milyong taong tumitingin sa profile mo, malamang puro magaganda ang mga sasabihin nila tungkol sa iyo.

Habang ang ibang tao ay hibang na hibang sa pangongolekta ng testimonial (nakakita ako ng may mahigit sa 500 testimonials, siguro tinutukan niya ng shotgun ang mga friends niya dun para magbigay ng tig-iisa), ako naman ay hirap na hirap sa pagbubura nito. Matagal na rin kasi akong member ng Friendster, since October 2004 pa. Para sa akin, ang mga testimonial na hindi na kaangkop-angkop sa sitwasyon mo ngayon (example: break na kayo, kailangan pa bang may “muawvshu bebie!” na testimonial galing sa kanya!?) ay dapat binubura na mundo ng Friendster. Pero bago mo burahin, magsave ka ng kopya sa blog mo o sa pc mo… di ba??? Hehe!

Naisipan ko lang na tignan ang mga testimonial ko at basahin isa-isa. Wala na naman akong magawa, eh di yun na lang.

Nung una, natatawa ako sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Binubulgar lahat ng mga pagkakamali ko, mga nakakahiyang nangyari sakin at mga pahapyaw na pagsasabi ng mga sikreto. Ayos, sumasaya ang araw ko. Pero sa lahat ng magaganda, meron din namang mga pangit. Hindi sa dahil pangit ang mga sinabi nila, naging ganun lang dahil sa taong sumulat sa kanila.

May isang nagsasabing: “Dude, i’ll be your friend forever! Walang iwanan!” Ano na nangyari? Pag nagkakasalubong kami sa school, parang di niya ko kilala. Delete testimonial? Delete.

Yung isa naman: “You’re my life and forever will be…” Ah, hindi niya ata alam ang kahabaan ng “forever” dahil wala na siya ngayon. Delete testimonial? Delete.

Sabi naman nito: “Thank you talaga at pinagtanggol mo ko nung pinagbintangan nila ako. Super thank you talaga!” Ang “thank you” niya, napako. Ako naman ang tinalo niya, at ginawa niya sakin ang ibinibintang sa kanya. Delete testimonial? Delete.

Isa pang malupit! “Always have God in your life, He is the One you should always turn to.” Ang last na alam ko, naglayas siya at narehab na ngayon. Delete testimonial? Delete.

Kakabit na ng mga testimonial na yan ang ilang taong kong ihinarap sa computer, binuksan ang buhay ko sa World Wibe Web at unti-unting nalulon sa Internet surfing. Kadikit na rin dyan ang mga pangakong napako, mga pagkakaibigang nauwi sa wala, mga taong nagpaasa at pinaasa, mga gulong naayos man o hindi… ito ang totoong buhay mo. nakapaloob sa isang nakangiti at preskong-preskong testimonial.

Delete testimonial?


7 Responses to “Add a Testimonial”

  1. Thanks bro! Real good work!e

  2. haha!! hindi na testi ang sa friendster ngayon..
    wala ng kwenta..comment na lng..
    wala nang pinagkaiba sa messages..
    un nga lang maraming nakakabasa..

  3. hey.. thank you

  4. It spat out of the practitioner of my bickering in spasms. Then steal approvingly sweetie, Oh, but hideously quite mindlessly hard.

  5. nice..! haha.
    sesave pa ba? XD

  6. the wind to howl more wildly, the gloom to deepen to darkness, and 8K3LQ44ZXMC on the whole, proved a good keeper. though, owing partly to a fault

  7. omg.. good work, brother

Leave a Reply