Ang tanging lalake na nakaunawa
Dear ate muta,
Dati meron akong inaabangan na palabas sa telebisyon bukod sa basketbol. Ang pamagat nito ay “Kikay Machine.” O, bago kayo magreak, sana basahin nyo muna yung buong artikulo. Hehe. Basta nadaanan ko lang sya isang beses nung wala akong magawa. Tapos, yun, natuwa akong panoorin sya. Kaklaruhin ko muna na hindi ako bakla (sabagay wala naman akong anything against them). Bakit ko sya inaantabayanan noon? Kasi doon ko lang napagtanto na ang kakikayan pala ng mga kababaihan ay isang napakagandang kulturang alien sa mga lalake (somewhat).
Opinyon ko lamang po, pero sa aking paniniwala, ang mga babae ay may tama lang na karapatan upang pagandahin ang kanilang mga sarili. Opo. Payag akong gumastos ng ilang libo sa girlpren ko para lang sa kanyang mga gamit at mga serbisyong pampaganda. Hehe. Kasi panget ang mga lalake. Bwehehehe. Kaya di na dapat nila atupagin yun. Pero ang mga babae ay espesyal na mga nilalang. Dapat lang na bigyan sila ng luwang kapag gusto nilang magpakakikay.
Wala akong problemang maghintay ng ilang oras dahil nagaayos ang girlpren ko. Oks lang sakin kung ilang araw silang magkulong sa banyo. Yung mga bitbit nilang mga kikay kit ay walang problema sa kin. Naaliw pa nga ako kasi ang saya nilang panoorin. Lalo na pag epektibo yung pagpapakakikay nila.
Pero syempre, ok lang din yung babaeng simple. Wala rin akong problema dun. Basta ang importante alam nila na maganda sila ng walang kaeport-eport.
Yun nga lang, turn op yung babaeng dinadaan sa kakikayan ang insekyuritis nya. Dapat yung kakikayan nya e pang kompliment lang sa kanyang angking bilib sa sarili. Kasi di naman nadadaan sa meyk up ang lahat. Minsan binubuhos ang emosyon sa pagpapaganda yung iba nagmumukha nang bampira.
Sayang wala na ata yung palabas na yun ngayon. Pero oks lang. Pinapanood ko sya sa punto de bista ng isang art critic na nanonood ng art film. Pramis. Isang art ang kakikayan ng mga babae. Para sa isang lalake katulad ko, masarap obserbahan ang ganitong kultura ng mga kababaihan. Mabuhay ang kakikyan!
Nagmamahal ,
Last guy on earth
Dear Last Guy On Earth ,
huwaaat?! naintindihan mo?!? kongrats. tao ka na
Umaasang tao ka na nga,
Ate Muta

Leave a Reply