aptawangel

Lumayas po kami sa bahay ng tiyuhin ko mga tatlong taon na. Doon po kami iniwan ng nanay namin. Kaming dalawa nung kapatid kong si Che-che, na limang taong gulang nung mga panahong yun. Tangina nung tiyuhin naming gago. Gabi-gabi binubugbog kami. Ayos lang sana kung ako lang e. Kaso pati kapatid ko ginagawa nyang basahan. Ngunit di ko makayanang umalis. Natatakot ako. Di ko kasi alam kung saan kami pupuntang magkapatid. Namamalimos kami sa lansangan. Yun lang ang pinanggagalingan ng pagkain naming magkapatid. Sabi kasi ng tiyuhin ko, ang pera nya pinaghihirapan nya kaya sya lang ang gagastos nun. Kaya di kabigla-bigla kung kami’y mga lampayatot at sakitin. Ok lang sa akin na magkasakit e. Pero pag nakikita ko yung kapatid kong sinusumpong lagi ng lagnat gusto ko ng manakal ng tiyuhin e. Ngunit isang gabi, ako lang ang lumabas para mamalimos. Ang taas kasi ng lagnat ni Che-che. Ngunit laking taranta ko pagdating ko sa bahay. Si Che-che ay nakahubad at puno ng dugo ang kanyang pekpek. Putanginang tiyo ko yan! Tangina nya! Kinuha ko ang kutsilyo sa kusina at tumakbo ako papunta sa tiyuhin kong nakikipag-inuman sa kalsada. Ngunit malayo pa lang, nakita na nya ako. Binato nya ko ng bote ng San Miguel. Plakda ako sa daan.

Paggising ko, katabi ko na ang umiiyak kong kapatid. Kinulong kami sa mabahong banyo. Pero tatanga-tanga ang tiyo ko. Di nya alam na sira na ang pang-lock dun. Kaya di na ko nagdalawang isip na tumakas kasama ng kapatid ko.

Papalit-palit kami ng lugar. Di ko na alam kung saan kami napagpapadpad. Makatapos ang tatlong araw, napag-isipan kong dun na lang kami sa ilalim ng play ober tumira. Nabubuhay sa pamamalimos, pagnanakaw, at pagdyadyakol sa mga lasing dun sa may mga puno sa gabi. Ngunit di na gumaling si Che-che. Araw-araw, lalo syang nanghihina. Hanggang dumating ang isang napakalamig na gabi.

Nanginginig ang katawan nya. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. “Che-che, anong nararamdaman mo?” tanong ko sa kanya. “Kuya, giginaw ato!” nanginginig nyang sinabi. Pinainom ko sya nung mga puting tabletang nahulog nung mga ale kanina. Gamot yun alam ko e. Di ba nakakagaling ang gamot? “Kuya, shakit ulo!” nakakaawa nyang binigakas. “Shakit tyan!” umiiyak syang sumigaw. Sa sobrang taranta ko naisip kong pasinghutin sya ng ragbi. Yun kasi ang ginagamit ko para mawala sakit ng ulo ko. “Yan Che-che, ayos ka na?” tanong ko. “Kuya, lamig.” Inakap ko sya ng buong higpit para di sya ginawin. “Kuya, antok ako. Kanta mo ko. Shige na.” nanghihinang tinig nya. Pinapakanta nya ko para makatulog na sya. “Anong kakantahin ko? Yung Weslayp na lagi nating kinakanta?” naaawa kong sinabi. “Oo! Yung Aptown gel!” sinabi nya ng may konting ngiti sa labi. “Yun na naman! Iba naman.” sabi ko. “Ayaw! Gushto yun!” pinagpilitan nya. Sige na nga. Sinimulan kong kumanta ng buong sigla. “Aptown gel, shibin libin inan aptown gel, shibinlibin wita bakstrit gay….” Sumasabay sya sakin kumanta habang unti-unti syang pumikit hanggang sya’y nakatulog.

Kinabukasan, di na sya nagising.


Leave a Reply