Buhay-buhay

INQUIRY

“Ma’m maganda po ba ang bartending?”

“Oo naman.Yun ang isa sa mga bagay na trabaho sa mga taong may:

1.fast learning skills

2, good communication skills

at

3. creative minds”

LOLLOLLOLLOLLOLLOLLOLLOL!!

DEBUT

Habang nag ta type ako ngayon ay kasalukuyang nag-iinuman ang mga tao sa labas (mga God-knows-who-slash-what people) , kumakain ako ng cake at nabibingi sa kaligayahan na nakabalot sa paligid – debut kasi ng hipag ko , well , sort of , wala namang kutilyon chuva pero may cake (na weird kasi yung supposed na hagdan para sa cake papunta sa second layer ah nakabitin sa kanang side – lost in space ang tingin ko , sayang nga lang at di ko nakunan ng picture kasi nagluto pa ako ng handa ,at sayang din dahil alam kong hindi mo naiintindihan ang description ko ng weird na cake , nakakalungkot kasi hindi mo din ma gegets ang punchline lol, at teka parang ang haba na ng nasa parenthesis ko lol) at may balloons…HAHAHHAHA!

Kahit hindi naka gown ang debutante alam ko masaya siya – kahit medyo nahihiya siya sa mga balloons.

Pero hindi siya ang bida sa artik ko ngayon , sorry na lang saka happy birthday sana naging masaya ka sa regalo ko – na ang tawag ko ay “effort” ^_^.

COURSE

Mabalik ako sa alak. Isang beses pa lang ako nalasing sa buoooonnnnggggg buuuhhaaaayyy ko. Hindi ko kasi talaga  gusto ang lasa ng alak , ayaw ko kasi ng mga bagay na mapait.Okay lang kung maasim pero mapait? Tangina hindi normal. Kaya nga shocked ako sa seseryosohin kong course.

BARTENDING.

Marami nga akong iniisip na magiging hassle habang nag-aaral ako. Ang una dun ay ang pagtitimpla at pagtikim ng alak. Paano ka makakatimpla ng masarap na alak kung ni hindi ka man lang marunong uminom? Paano ko malalaman kung kulang sa tomato juice ang Bloody Mary?

Ang pangalawa ay ang pag fe ‘flair’. Ang flairing eh yung basic skill ng mga bartender yung pinapaikot at kung ano anong ka echusan ang ginagawa sa bote at alak for the sake of fuscking entertainment sa mga guest. Kasi naman, jusme , hindi nga kayang humawak ng kamay ko ng standard shaker , magpaikot pa kaya? Sabagay , pwede akong hindi maging nega masyado sa aspeto na to – may advantage ako dahil ang lalaki ng braso ko. May silbi din pala yun.

Hindi pala madami yung iniisip kong hassle. Dalawa lang pala.

REQUI

Sa Pilipinas , malabo talaga ang bukas mo , lalo na kung hindi ka mayaman. Maluho pa naman akong tao , hindi ako marunong magtiis (pag may pera ako hindi ko matiis bumili ng kung anu ano) at lalong hindi marunong magpigil. Marami akong pangarap na hindi makakayang ibigay sa akin ng 350pesos a day na sahod. Kailangan ang sahod ko nasa 40-100k para maging masaya ako. Materyosa ako eh.

Masakit man aminin ang kahinaan ko , hindi naman ako nakatunganga at nag hihintay ng ambon ng grasya para makuha ang gusto ko – kaya siguro ako nagdesisyon magbartender. Malaki kasi ang sahod ng mga bar waitress/bartender sa cruise ship. Hindi ako kapit sa patalim pero alam ko na masusugatan ako dahil sa aksidenteng pinasok ko. Spur of the moment kind of thing kasi ito. Hindi ko pinagplanuhan , basta ko lang naisipan. Gaga talaga.

NEED VS. WANT

Gusto kong ma renovate ang tinitirhan ko. Gusto ko ng second floor. Gusto ko ng motor. Gusto ko ng bukod na kuntador (???!?!?) . Gusto ko ng aircon. Gusto ko ng flat screen na computer monitor. Gusto ko ng laptop. Gusto ko ng cupboard na punong puno ng mamahaling groceries. Gusto kong bigyan ng pera Mama ko (para palit naman hehe). Gusto kong pag-aralin si Tenten sa La salle. Gusto ko ng bagong kama. Gusto ko ng chandelier. Gusto ko ng kotse. Gusto ko ng lupa at bahay na sarili ko. Gusto ko ng negosyo na walang lugi (hahaha!). Gusto ko ng magandang cellphone. Gusto ko ng ipod touch. Gusto kong makasal sa simbahan , yung bongga ha. Gusto ko mag-boracay , sky is the limit! Gusto ko ng magandang buhay. Gusto ko ng masayang buhay , yung ang tipong magiging problema ko lang eh yung malaman ko na may taning na ang buhay ko.

Pero muka yatang mali ang isipin ko kung ano lang ang mga gusto ko.

Kailangan ko ng stability. Kailangan ko ng sariling bahay at lupa. Kailangan ko ng pangalan na madadala ko ng taas ang noo. At kailangan ko ng sariling kuntador.

CHAMELEON

Kailangan kong magpalit ng kulay para maka-blend sa mundo. Aminado kasi ako na hindi ako isa sa mga pinagpala na maging genius at maging trendsetter. Tulad ng karamihan , kailangan ko din sumabay sa agos kung gusto kong mamatay ng nakangiti. At alam mo ba kung gaano kahirap magpalit ng kulay?

Malamang. Ang istorya ng buhay ko at buhay mo ay hindi naman nagkakalayo , sa tingin ko lang ha. Maaaring iba ang pamamaraan mo pero halos identical ang palo at hagupit ng unos sa mga buhay natin. Wag mong isipin na kaplastikan at kasinungalingan ang pagpapalit anyo – maging praktikal ka!

Dati galit ako sa mga nurse at doktor na lumalabas ng bansa para magtrabaho , yung gasgas na dialogue na “sa halip na kapwa pilipino nila ang paglingkuran nila , sa mga dayuhan sila nagpapaalipin!” ay ilang beses ko nang nilitanya sa kwentuhan pag nagpapagalingan kami ng opinyon ng mga kaibigan/kainuman ko/namin – at with feelings yun ha para mas genuine. Pero habang nagkakaisip ako , natanto ko ang isang conclusion na alam kong babasagin ng ilan pero pinaniniwalaan ko pa rin – pakakainin ba tayo ng kapwa pilipino natin pag indultuhan na??

CONCLUSION

“Ma’m sa tingin mo ba may bartending qualities ako? (sabay beautiful eyes)”

“Sa totoo lang?….

WALA.”

LOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLLLL!!!


Leave a Reply