Bugso

 

pagkat dadating ang panahon
na lalamunin ka ng mga personal mong demonyo
mapapagod ka sa pagsuntok sa buwan
bubulagin ka ng liwanag ng iyong mga pangarap
mapapagod ka rin sa kasisigaw mo
maghahanap ka ng ibang daloy
pagkat pinagsasawaan ka na ng mundo
at manlulupaypay ka at bibigay sa pagtindig
ikakalat ang sarili
at mawawalan ng saysay ang iyong kabuuhan
sa nipis ng pagkakalapat mo
ang mga pirasong hindi makakalap
at pagkalunod sa iyong mga panaginip
magsasawa at magsasawa ka
at wala ka ng ibang magagawa kundi tumalikod
dahil hindi ka diyos
magbunsod sa paglalasing sa katahimikan
magniig sa dilim
pagkat ang lahat ay nawalan ng direksyon…


One Response to “Bugso”

  1. hndi lhat ng tao ktulad ntin mraming pwedeng mgbgo………………tlad ko noon dti rin akong tlamak pro matino nman………………….

Leave a Reply